Home | History | Mission And Vision | History of Enrollment | Faculty Member | Vicinity Map | Facilities

Sto. Angel Norte Elementary School (SANES)

History

Sa wakas ay nagkaroon na rin ng sariling Paaralan ang Sto. Angel norte sa pamamagitan ng joint resolution na pinag tibay ng mga Barangay ng Sto. Angel Central at Barangay Sto. Angel Norte na sinusugan at may pinag tibay ring resolution ng lupon ng Sangguniang Bayan
 
Ang Sto. Angel Norte na matatagpuan mismo sa Barangay Santo Angel Norte Sta. Cruz Laguna. Kung mah mumula sa pamilihan Bayan, Sasadyain Pamilihang Bayan, ito sa pamamagitan ng pag daan sa tulay ng kahoy, babaybayin ang Barangay Santo Angel Central hanggang sa pag pasok ng Francisco Subdivision na sakop na rin ng masabing Barangay sa dulo nito ay makikita ang munting paaralan mag simula ang pag sasarili nito noong taon panunuran 2004-2005 sa pamumuno ni Gng. Lordes S. Gecolea sinundan nito nang bagong taga pamahala na si G. Luis M. Germina, gayun din ni G. Carlito F. Ramos na sinundan ni Gng. Merlinda B. Ella. Nang sila ay malapit ng ibang paaralan ay pinamumunuan nito sa kasalukuyan ni Gng. Patrocinia B. Becina. Bagamat maliit, halos kumpleto na rin ito dahil may apat na gusali para sa mga mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang baitang VI. May isang munting kantina at sa kalapit nito ay ang covered gym na bagamat pag aari ng Barangay ay nabibigyan ng pag kakataon ang mga mag-aaral na mag daos ng ibat ibang gawain. Malinis ang kapaligiran sa loob at labas. May walong mahuhusay at mauunawain guro at pang siyam ang taga pamahala ng paaralan. May 308 na mababait na mag-aaral. Sa kasalukuyan at patuloy na umuunlad ang paaralan sa pakikipag tulungan ng mga guro, magulang at Barangay.

Intapp 1 Eingell C. Palero
Ama Computer Learning Center